Dumami ang Local Government Units ang nakipag-partner sa Department of Human Settlements and Urban Development para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Pinakahuli dito ang 3 LGUs sa lalawigan ng Pangasinan at Zambales na nagkainteres na magtayo ng murang pabahay.
Isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan na nina DHSUD Undersecretary Garry De Guzman, San Carlos Pangasinan Mayor Julier Resuello, San Marcelino Zambales Mayor Elmer Soria at Malasiqui Pangasinan Mayor Anthony Geslani para makapagsimula na ng pagpapatayo ng pabahay.
Prayuridad na bibigyan ng pabahay na de kalidad at abot kaya ang presyo ang mga mahihirap na mamamayan sa kani-kanilang bayan.
Nakapaloob din sa nilagdaang kasunduan ang pangako ng mga LGU na isama ang land acquisition and development at pati na ang pagpili ng mga benepisyaryo. | ulat ni Rey Ferrer