Kinumpirma ng Quezon City Health Department na magaling na ang tatlo sa apat nitong binabantayang kaso ng Mpox sa lungsod.
Sa QC Journalists Forum, sinabi ni Sarah Conclara
Mpox Surveillance ng QC Health Dept na natapos na ang isolation period at magaling na ang mga sugat ng tatlong kaso.
Wala rin aniyang nahawa sa mga natukoy na close contacts ng tatlong pasyente.
Sa ngayon, may isang aktibong kaso na binabantayan ang QC na nakumpirmang mpox nitong setyembre lang.
Isa itong lalaking pasyente na walang anumang international travel history.
Sa ngayon, nakaisolate na aniya ito sa bahay at tinututukan na rin ang 14 na close contacts kasama ang partner nito at mga kasama sa trabaho.
Nanawagan naman ng kooperasyon ang QC Health Department sa publiko na agad makipagtulungan lalo na sa mga contract tracing efforts.
Kasunod nito, tiniyak ng Health Dept na nananatiling kontrolado ang MPOX sa Quezon City. | ulat ni Merry Ann Bastasa