Binuksan na ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang nasa 30 evacuation centers nito.
Kasunod iyan ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa Marikina river na nagresulta sa pagbaha na sa ilang lugar sa lungsod.
Kabilang sa mga binuksan ay ang Malanday Elementary School, Nangka Elementary School at H. Bautista Elementary School at H. Baustista National High School.
Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, nakipag-ugnayan na sila sa Philippine Coast Guard (PCG) para magsagawa ng Search and Rescue Operations sakaling kailanganin.
Habang tulong-tulong naman ang mga tauhan ng Coast Guard, Pulisya at Bureau of Fire (BFP) sa lugar para sa pagsasagawa ng pre-emptive evacuation.
Batay sa pinakahuling monitoring ng Marikina City Rescue 161, nasa 17 meters na ang antas ng tubig sa Marikina river. | ulat ni Jaymark Dagala