Halos 700 pulis sa Zamboanga Peninsula, ipakakalat para sa pagsisimula ng COC filing simula bukas

Naka-alerto na ang aabot sa halos 700 pulis ang ipakakalat para sa pagsisimula ng paghahain ng kandidatura o filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa Zamboanga Peninsula bukas, October 1. Ayon kay Police Regional Office-9 Director, Police Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, inatasan na nito ang nasa 656 na mga tauhan nito na bantayan ang… Continue reading Halos 700 pulis sa Zamboanga Peninsula, ipakakalat para sa pagsisimula ng COC filing simula bukas

NDRRMC, nakatutok sa lagay ng panahon at epektong dulot ng bagyong Julian

Naka “Blue Alert” status ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ito’y para tutukan ang sitwasyon sa mga lalawigan sa hilagang Luzon bunsod ng panananalasa ng bagyong Julian. Ayon kay NDRRMC Spokesperson, Director Edgar Posadas, maliban sa Central Office, nakataas din ang kaparehong status sa Region 1 (Ilocos), Region 2 (Cagayan Valley),… Continue reading NDRRMC, nakatutok sa lagay ng panahon at epektong dulot ng bagyong Julian

House leader, nagbabala sa muling paglipana ng ‘fake news’

Binalaan ngayon ng isang mambabatas mula sa Young Guns bloc ng Kamara ang publiko na maging maingat sa mga tinatanggap na impormasyon lalo at inaasahan ang pagdagsa na naman ng misinformation at fake news sa social media. Ayon kay House Deputy Majority Leader at PBA Party-list Representative Margarita “Atty. Migs” Nograles, nagsisimula na naman ang… Continue reading House leader, nagbabala sa muling paglipana ng ‘fake news’

COC filing sa Quezon City, kasado na

Tuloy-tuloy na ang ginagawang preparasyon ng Quezon City government katuwang ang Commission on Elections (COMELEC) para sa simula ng Filing of Certificate of Candidacy (COC) bukas, October 1. Sa Quezon City, gaganapin sa Amoranto Sports Complex ang COC filing para sa mga kakandidato sa Districts 1-6. Maaaring magsumite ng COC dito ang mga nais kumandidato… Continue reading COC filing sa Quezon City, kasado na

Alert Level Charlie, nakataas sa Batanes at Cagayan

Itinaas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Alpha hanggang Charlie sa ilang lalawigan sa bansa dahil sa epekto ng bagyong Julian. Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hanging hanggang 155km/h at matinding mga pag-ulan ang mga… Continue reading Alert Level Charlie, nakataas sa Batanes at Cagayan

PAGASA, nagpalabas ng heavy rainfall warning kaugnay ng bagyong Julian

As of 5am, nasa ilalim ng Yellow Warning ang lalawigan ng Bataan kung saan pinag-iingat ang mga residente sa banta ng pagbaha. Mahina hanggang katamtamang ulan naman ang inaasahan sa Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna, at Quezon sa susunod na tatlong oras. Posible ring ulanin ang Zambales, Tarlac, Metro Manila, at Rizal sa… Continue reading PAGASA, nagpalabas ng heavy rainfall warning kaugnay ng bagyong Julian

Sen. Risa Hontiveros, nanawagan sa DFW at DMW na iuwi sa bansa ang mas maraming Pilipino mula sa Lebanon

Umapela si Senador Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Department of Migrant Workers (DMW) na i-repatriate o pabalikin sa bansa sa lalong madaling panahon ang mas maraming Pilipino na nasa Lebanon. Ito ay sa gitna ng nangyayaring kaguluhan at tensyon sa naturang bansa. Iginiit ni Hontiveros na dapat may nakalatag nang… Continue reading Sen. Risa Hontiveros, nanawagan sa DFW at DMW na iuwi sa bansa ang mas maraming Pilipino mula sa Lebanon

One Valid ID Law, itinutulak sa Kamara

Inihain ni Cebu Representative Pablo John Garcia ang isang panukalang batas na layong atasan ang mga pampubliko at pribadong tanggapan na kilalanin o tanggapin ang isang valid ID lamang para sa lahat ng transaksyon. Ayon sa mambabatas, sa kabila ng Philippine Identification System at PhilSys ID ay marami pa ring hinihinging ID ang mga ahensya… Continue reading One Valid ID Law, itinutulak sa Kamara

BI, nagbabala kontra catphishing syndicates na nagre-recruit ng mga Pinoy abroad

Binigyang babala ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko tungkol sa isang catphishing syndicate na nambibiktima ng mga Pilipino at nag-aalok ng iligal na trabaho sa ibang bansa. Ayon kay BI Officer-in-Charge Commissioner Joel Anthony Viado, tatlong biktima ang naharang ng kanilang hanay sa NAIA Terminal 3 noong Septemeber 21. Nagkunwari umano ang mga itong… Continue reading BI, nagbabala kontra catphishing syndicates na nagre-recruit ng mga Pinoy abroad

DOLE, tiniyak na naipamahagi nang maayos ang pondo ng TUPAD para sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE)-MIMAROPA na ang pondo para sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) ay naipapamahagi at maayos na ipinatutupad sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro sang-ayon sa mga patakaran ng kagawaran. Ang pahayag na ito ay inilabas ng DOLE-MIMAROPA matapos ang protesta ng… Continue reading DOLE, tiniyak na naipamahagi nang maayos ang pondo ng TUPAD para sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro