Gumugulong na ang profiling o pagtukoy ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Pilipinong manggagawa na maaapektuhan ng POGO ban.
Sa budget hearing sa senado, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na 30,000 na sa halos 40,000 na pinoy POGO workers ang natapos na nilang i-profile o makuhaan ng buong impormasyon.
Pinaliwanag ng kalihim na ang profiling ay para matukoy ang bilang ng maaapektuhang pinoy ng POGO ban at kung anong tulong ang maaaring ibigay sa kanila ng gobyerno.
Sinabi ni Laguesma na hinihingi nila mismo sa mga POGO companies ang listahan ng mga pinoy workers nila habang ang mga hindi pa nakakapagsumite ng listahan ay kusa nang pinupuntahan ng DOLE.
Maglulunsad rin ang ahensya ngayong setyembre ng job fair para sa mga pinoy POGO o internet gaming licensee (IGL) workers. | ulat ni Nimfa Asuncion