May 3,500 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa lalawigan ng Tarlac ang nakatakdang tumanggap ng certificates of condonation with release of mortgage (COCROM) mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Isang seremonya ang gaganapin sa Eduardo Cojuangco Gymnasium, Paniqui, Tarlac bukas, Setyembre 30, 2024.
Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella III, mapapawalang-bisa na ang kabuuang utang ng mga magsasaka na nagkakahalaga ng P124 milyon.
Aabot ng 4,663 certificates of condonation with release of mortgage ang matatanggap ng 3,500 ARBs.
Saklaw nito ang 4,132.1256 ektarya ng mga lupang pang-agrikultura, alinsunod sa mga probisyon ng RA 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act (NAEA),
Ang pamamahagi ng certificates of condonation with release of mortgage sa Tarlac ay pangatlo nang ginawa sa Central Luzon, kasunod ng distribusyon sa mga lalawigan ng Nueva Ecija at Bulacan. | ulat ni Rey Ferrer