Dumating na sa Pilipinas mula sa Lebanon ang 37 overseas Filipino workers (OFW) na apektado ng lumalalang tensyon sa nasabing bansa.
Kasamang dumating ng mga OFW-repatriate ang limang bata.
Agad na nakatanggap ng tulong pinansyal ang mga OFW na nagkakahalaga ng P75,000 mula sa Department of Migrant Workers (DMW) AKSYON Fund.
Bukod dito, tiniyak din ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang buong suporta ng gobyerno para sa kanilang reintegration, kabilang na ang psycho-social support at iba pang serbisyo.
Sa pagdating ng batch na ito, umabot na sa kabuuang 403 OFW at 55 dependents ang nakauwi mula sa Lebanon simula nang magsimula ang Israel-Hamas conflict, noong October 2023. | ulat ni Diane Lear
Photos: DMW