Nakauwi na sa Pilipinas ang pangalawang batch ng mga overstaying na Filipino mula Abu Dhabi at Dubai sa ilalim ng UAE Amnesty Program na inilunsad magmula noong September 1 nitong taon.
Binubuo ang nasabing grupo ng 43 OFWs na nakinabang sa amnestiya upang makabalik na bansa.
Sa kanilang pag-uwi, agad silang sinalubong ng Department of Migrant Workers (DMW), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa pangunguna ni DMW Secretary Hans Cacdac.
Bilang suporta, binigyan ang mga umuwing OFW ng financial, food, at transportation assistance upang makauwi sa kanila-kanilang mga probinsya.
Wala ring multa na ipinataw sa mga repatriates dahil sa nasabing amnesty program ng UAE. | ulat ni EJ Lazaro