Patuloy na dinadagsa ang Presidential Action Center sa gitna ng libreng pagkain na ipinamamahagi sa lahat at itoy kaugnay ng ika- 67 kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa darating na Biyernes
Ayon sa mga taga Office of the President na nangangasiwa sa libreng pamamahagi ng pagkain sa Presidential Action Center, maaga pa lamang ay dinadagsa na sila at depende sa dating ng pagkain ang pagsisimula ng pamamahagi nito na kung saan, alas nuebe ng umaga ang pinakamaagang Oras na nakapag- bigay ng libreng pagkain
Bukod sa chicken, spaghetti at burger ng kilalang fast food chain ay mayruon ding iba pang pagkain para sa lahat gaya ng bbq, litsong manok, chicharon, mamon, juice, burger at iba pa..
Napag- alaman na nitong nakalipas na Lunes ay apat na libong katao ang napagsilbihan, 2 libo kahapon at ngayong araw ay isang libo at limandaan.
bukas ay apat na libo at sa biyernes sa araw mismo ng kaarawan ng pangulo ay inihahanda nila ang pagkain para sa 10 libong katao na gaganapin sa kalayaan grounds ng palasyo ng Malakanyang. | ulat ni Alvin Baltazar