Tinatayang umabot na sa 55% ng mga dayuhang manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang umalis na ng bansa matapos isagawa ng Bureau of Immigration (BI) ang visa downgrade sa mga ito
Sa pinakahuling ulat ng BI, kanila nang na-downgrade ang nasa halos 6,000 visa ng mga foreign POGO worker, at mula dito, mahigit 3,200 na ang nakaalis na ng Pilipinas.
Inanunsyo ni BI Officer-in-Charge Commissioner Joel Anthony Viado na ang mga hakbang na ito ay bahagi ng kanilang pagsisikap na pabilisin ang aplikasyon sa pag-alis ng mga nasabing manggagawa.
Nakatakda rin sa darating na Oktubre 15, 2024 ang deadline para sa mga foreign POGO workers para sa kanilang boluntaryong pag-aplay sa visa downgrade.
Ang mga hindi makakasunod ay kailangang umalis sa loob ng 59 na araw o maharap sa deportasyon bago magtapos ang taon.
Nagbigay din ng babala si Viado na sa pagsapit ng 2025, ang mga tumangging umalis pa rin ng bansa ay maaaring arestuhin, ideport, at pagbawalan sa muling pagpasok sa Pilipinas.| ulat ni EJ Lazaro