Inilunsad ngayong araw ng pamahalaan at ng Asian Development Bank (ADB) ang anim na taong estratehiya na naglalayong isulong ang patuloy na pag-unlad ng bansa.
Sa paglulunsad sa Malacañang Palace ng Country Partnership Strategy (CPS) 2024-2029, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng ADB bilang isang maaasahang katuwang sa pag-unlad ng bansa.
Sa pamamagitan ng CPS 2024-2029, hindi lamang proyekto ang sinusuportahan ng ADB, kundi inilalatag din nito ang pundasyon para sa mas magandang kinabukasan ng Pilipinas.
Ang CPS 2024-2029 ay naka-focus sa tatlong pangunahing larangan: una ang pagpapalakas ng kaunlarang pantao, ikalawa ang pagpapalakas ng kompetisyon sa ekonomiya at de-kalidad na imprastraktura; at ikatlo ang pagpapanatili ng likas na yaman at ecosystem habang pinapahusay ang kahandaan sa sakuna.
Kabilang din sa mga proyektong susuportahan sa ilalim ng strategic partnership ay ang Bataan-Cavite Interlink Bridge at ang North-South Commuter Railway.| ulat ni Diane Lear