7,000 kawani ng Valenzuela LGU, sumalang sa surprise mandatory drug test

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang malawakang drug testing ang ikinasa ng Valenzuela LGU sa higit 7,000 kawani ng Valenzuela City Hall at City External Services Office (CESO) Action Center.

Pinangunahan mismo ni Mayor Wes Gatchalian ang mandatory drug testing, bilang pakikiisa sa mga patakaran ng pamahalaang lungsod.

Ayon sa alkalde, layon ng surprise mandatory drug testing sa lahat ng Valenzuela City Hall employees na matiyak na ang bawat kawani sa tanggapan ng lungsod ay drug-free.

Inaasahan naman ang resulta ng drug test makalipas ang tatlo hanggang apat na linggo.

Sinumang sumailalim sa drug test na mapapatunayang nasa ilalim ng impluwensya ng iligal na droga ay haharap sa mga parusa, maaaring iendorso sa task force laban sa droga ng lungsod, o maaari ring masibak sa serbisyo.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng LGU na patuloy na tinututukan ng lokal na pamahalaan ang mga programang tumutugon sa problema ng iligal na droga.

Kasama na rito ang makabagong pasilidad para sa rehabilitasyon ng droga—ang Balai Banyuhay, na layuning baguhin ang buhay ng mga Taong Gumagamit ng Droga (PWUDs) at bigyan sila ng bagong pag-asa na magbagong-buhay at maging kapaki-pakinabang na nilalang. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: Valenzuela LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us