92 PHEIs, binigyan ng autonomous at deregulated status ng CHED

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siyamnapu’t dalawang (92) Private Higher Education Institutions (PHEIs) ang nabigyan ng autonomous at deregulated status ng Commission on Higher Education (CHED).

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera III, tatangkilikin ng mga PHEI ang pribilehiyong ito hanggang Setyembre 2027.

Isang komprehensibong pagsusuri ang isinagawa ng CHED para sa panahon ng 2019-2023, na nakatuon sa pagiging epektibo ng edukasyon ng mga PHEI.

Kabilang ang student performance sa professional board examinations, employability rates, at ang pagkakahanay ng mga kurikulum sa mga hinihingi ng industriya.

Sabi pa ni De Vera, ang mga HEI na may autonomous status ay may pinakamataas na kalidad na edukasyon at patuloy ang mahusay na mga resulta ng programa.

Ang mga deregulated PHEI ay nakakatugon din sa matataas na pamantayan at nagpapakita ng malakas na performance at magagandang resulta ng programa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us