Iginiit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang pagbibigay ng serbisyo mula sa mga centers at residential care facilities (CRCFs) ng ahensya ang huling paraan na maaaring igawad sa concerned parties.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, maaaring i-admit ang isang indibidwal sa DSWD-managed residential facility sa pamamagitan ng kautusan mula sa korte.
Binigyang halimbawa nito ang children in conflict with the law (CICLs), o mga naabusong bata sa pamamagitan ng pisikal o seksuwal , inabandona at pinabayaang bata, matatanda o mga babaeng dumanas ng hirap sa iba’t ibang pamamaraan.
Sabi pa ni Dumlao maaari ding isangguni ng local government units (LGUs) sa ahensya ang mga kaso partikular na kung nangangailangan ito ng technical assistance o kung ang service facility ng DSWD ay naangkop sa kaso ng isang kliyente.
Ang CRCF ng DSWD ay tumatanggap ng kaso mula sa mga mahihirap na indibidwal na dumanas ng pang-aabuso.| ulat ni Rey Ferrer