Nagbabala ang AF Payments Inc. (AFPI), ang may-ari ng beep card, sa publiko tungkol sa mapanlinlang na online promotion na nag-aalok ng 12 buwang libreng sakay sa tren.
Batay sa abiso, ang scam ay unang nai-post sa Facebook page na Transportation in Metro Manila at mula noon ay naibahagi na sa iba’t ibang social media platforms.
Sa kasalukuyan, isinasagawa na ang imbestigasyon tungkol sa online scheme na ito.
Samantala, pinapayuhan ang mga gumagamit ng beep card at ang mga pasahero na maging maingat at iwasang mag-click o mag-subscribe sa mga kahina-hinalang link na maaaring magbunyag ng kanilang sensitibo, personal, at pinansyal na impormasyon.
Para sa mga update, maaaring bisitahin ang website ng AFPI, i-follow ang kanilang mga verified account, o i-download ang beep app.| ulat ni Diane Lear