AFP, aktibo sa disaster response efforts sa pananalasa ng bagyong Enteng

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Romeo Brawner Jr. ang buong suporta ng Sandatahang Lakas sa Humanitarian and Disaster Response (HADR) operations sa gitna ng pananalasa ng bagyong Enteng.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, bago pa man tumama ang bagyo ay in-activate na ng AFP ang kanilang disaster response units sa National Capital Region (NCR) para agarang makaresponde sa epekto ng bagyo.

Sinabi ni Trinidad na 11 Search, Rescue, and Retrieval (SRR) teams na binubuo ng anim na opisyal at 98 enlisted personnel, kasama ang 19 na land at 7 water assets ang handang magbigay ng agarang tulong kung saan kailangan.

Kasalukuyan aniyang nakikipag-coordinate ang mga unit na ito sa mga Local Government Unit (LGU) at iba pang ahensya ng gobyerno para sa mabilis at nagkakaisang pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong.

Inabisuhan naman ng AFP ang mga marino at ang publiko sa NCR at mga karatig-lalawigan na manatiling nakasubaybay sa pinakahuling abiso sa lagay ng panahon at magsagawa ng kaukulang pag-iingat.  | ulat ni Leo Sarne

📸: AFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us