Ilulunsad ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Reservist Enlistment Event bukas.
Layon nitong magbigay ng pagkakataon sa mga San Juaneño na magpatala bilang reservist sa AFP.
Batay sa abiso ng San Juan LGU, ito ay isasagawa sa San Juan City Hall Atrium mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM kung saan mayroong mga sign-up booth na itatayo ang AFP Reserve Command, Philippine Army, at Philippine Navy.
Kaugnay nito, inaasahan na magpapatala rin bilang reservist si San Juan City Mayor Francis Zamora.
Para sa mga interesadong sumali sa AFP Reserve Force, maaaring mag-sign up bukas ngunit hindi kailangang isumite agad ang mga dokumento.
Ito ay bukas para sa mga natural-born Filipino citizens na may edad 18-64 na papasa sa mga kinakailangan sa medikal at pisikal na pagsusuri. Kailangan din high school graduate, at kung commission, kinakailangan na may bachelor’s degree at pumasa sa AFP Service Aptitude Test.
Ang mga sign up booth ay mananatiling bukas sa San Juan City Hall Atrium hanggang sa katapusan ng buwan.| ulat ni Diane Lear