AFP Reservist Enlistment, isinasagawa sa Lungsod ng San Juan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy ang isinasagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Reservist Enlistment sa San Juan City Hall Atrium, kaninang hapon.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan sa AFP.

Ayon sa San Juan LGU at AFP, layon ng programa na mapakalas ang pagiging makabansa ng mga mamamayan.

Sa isinasagawang aktibidad ilang residente na rin ng lungsod ng nagpalista bilang army reservist, maging si San Juan City Mayor Francis Zamora ay nag-sign up din bilang reservist.

Matatandaang katuwang ng AFP ang mga reservist sa kanilang community at disaster response and crisis management program.

Para sa mga interesado bukas ang enlistment sa mga natural-born Filipino citizens edad 18 hanggang 64.

Kasama sa kwalipikasyon ang dapat pumasa sa medical at physical examination; para sa enlistment: High school graduate; para sa mga nais naman maging commissioned officer kailangan bachelor’s degree holder, pasado sa AFP service aptitude test, at mayroong NBI clearance at police clearance.

Ang mga sign up booth ay mananatiling bukas sa San Juan City Hall Atrium hanggang September 30 mula 9 AM hanggang 4 PM. | ulat ni Diane Lear

Photos: San Juan LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us