Alert Level Charlie, nakataas sa Batanes at Cagayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinaas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Alpha hanggang Charlie sa ilang lalawigan sa bansa dahil sa epekto ng bagyong Julian.

Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hanging hanggang 155km/h at matinding mga pag-ulan ang mga lalawigan ng Batanes at Cagayan.

Alert Level Bravo naman na may heavy to intense rains ang inaasahan sa mga lalawigan ng:

Abra
Apayao
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Isabela
Kalinga
Mountain Province

Habang nasa Alert Level Alpha naman ang mga lalawigan ng:

Aurora
Benguet
Bulacan
Ifugao
La Union
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Pangasinan
Quezon
Quirino
Tarlac
Zambales

Pinaalalahanan ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang Oplan Listo Protocols bilang paghahanda sa banta ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us