Alice Guo, Cassie Ong, kapwa ipina-contempt ng QuadComm

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa binabaan ng Contempt Order ng House Quad Committee sina Cassandra Ong at dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Bunsod ito ng pag-iwas na sumagot sa tanong ng mga mambabatas sa kanilang pag-iimbestiga ukol sa operasyon ng iligal na POGO.

Si Ong, pinatawan ng 30 araw na pagkakadetine sa Women’s Correctional facility sa Mandaluyong.

Ito ay oras na mapagsilbihan niya ang unang 30 araw na detention na ipinataw ng komite sa detention center ng Kamara na matatapos sa September 26.

Paulit-ulit kasi niyang iniwasang sagutin kung saan ba niya kinuha ang kaniyang Alternarive Learning System (ALS).

“Kahit sinong tanungin mo dito, alam nila kung saan sila nag-elementary, saan sila nag-high school… Hindi mo alam ang school? Kasi alam ko na hindi mo sasagutin, kasi ang next question is, papakuha ko kaagad, kaya hindi mo sasagutin,” sabi ni Quad Committee Chair Joseph Stephen Paduano.

Na-contempt naman si Guo matapos maubos ang pasensya ni Quad Committee Chair Joseph Stephen Paduano sa kakatanong kung bakit hindi ito nagpiyansa gayung bailable naman ang kasong kinakaharap niya.

Katunayan ₱180,000 lang ang kailangan niyang piyansa.

Ani Paduano, ginagamit niya ang resources ng pamahalaan gayong kwestyunable pa ang pagiging Pilipino niya.

“Hindi ka nag-bail kasi mas gusto mong naka-detain doon sa PNP custodial facility kaya hindi ka nag-bail. Ayan ang totoong kwento doon. Huwag na tayo maglokohan dito. Again, you’re lying. You’re fooling this country, you’re fooling the Filipino people,”

Hiniling din ni Paduano sa Valenzuela RTC branch 282 na makuha ang kustodiya ni Guo, matapos ang nakatakda nitong arraignment mamayang hapon.

Kung mapagbigyan, makukulong si Guo hanggang sa mapagtibay ang committee report ng Quad Comm sa plenaryo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us