Alkalde ng Sual, Pangasinan, naungakat ang kaugnayan sa mga Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumutang ang pangalan ni Sual, Pangasinan Mayor Liseldo ‘Dong’ Calugay sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Justice tungkol sa naging paglabas ng bansa nina dating Mayor Alice Guo.

Natanong ni Senate Subcommittee Chairperson Senador Risa Hontiveros kung anong pagkakaalam ni Shiela Guo na ugnayan nina dating Mayor Alice at ni Mayor Calugay.

Ayon kay Shiela, sa pagkakaalam niya ay magkaibigan sina Alice at Calugay at hindi niya alam kung may ibang relasyon at kung may negosyo ang dalawa.

Bago aniya magpandemya ay nakasama na niyang kumain sa isang Filipino restaurant sa Dagupan si Calugay.

Una nang pinaimbitahan sa pagdinig si Mayor Calugay pero batay sa isinumite nitong medical certificate ay may dengue ngayon ang alkalde kaya hindi ito nakadalo.

Matapos rin ang ginawang executive session ng komite ay sinabi ni Hontiveros na nabuong may klarong link si Mayor Calugay sa mga Guo.

Dahil dito, umaasa si Hontiveros na makakadalo ang Sual mayor kapag bumuti na ang kalagayan nito.

Nausisa rin ni Hontiveros si Shiela Guo tungkol sa pagkakaroon ng negosyo sa Pangasinan.

Partikular na natanong ang isang Alisel Aquafarm na nasa Barangay Baquiden, sa bayan ng Sual dahil may DTI business certificate na nagpapakitang si Shiela Guo ang may-ari nito at may ID rin si Shiela ng account insurance membership sa Sual.

Sinabi naman ni Shiela na wala siyang alam dito at baka umano nagamit lang ang kanyang pangalan sa mga dokumentong ito. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us