Muling iginiit ni Alyansa Para sa Bagong Pilipinas campaign manager Rep. Toby Tiangco na patuloy nilang susuportahan si Sen. Imee Marcos.
Ito’s sa gitna ng anunsyo ng senadora na nagdesisyon siyang tatakbo bilang independent senatorial candidate.
Naniniwala aniya ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa kakayanan ng senadora para maisakatuparan ang legislative agenda ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Matatandaang noong nakaraang linggo nang i-anunyso ng Alyansa ang 12 kandidato ng administrasyon sa pagka-senador sa darating na 2025 midterm elections, kung saan kabilang si Sen. Imee.
Ngunit sa press conference ng senadora ngayong Lunes, kaniyang kinumpirma na pinili niyang tumakbo bilang independent para maging malaya at walang pinapanigan.
Mismong ang Pangulong Marcos Jr. ay nagsabing iginagalang niya ang desisyon ng nakatatandang kapatid. | ulat ni Kathleen Forbes