Nilimitahan na ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao at Binga Dams sa Luzon ngayong hapon.
Sa inilabas na ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, mula sa dalawang gate na binuksan sa Ambuklao Dam, isa na lamang ang naiwang bukas na may gate opening na 0.03 meters.
Binawasan din ang gate opening ng Binga Dam sa 0.03 meters mula sa 0.05 meters.
Walang tigil naman ang pagpapakawala ng tubig ng dalawang gate sa Magat Dam.
Hanggang alas-4:00 ngayong hapon, nasa 751.06 meters ang water elevation ng Ambuklao Dam habang nasa 573.49 meters ang lebel ng tubig sa Binga Dam.
Samantala, nasa 186.05 meters ang lebel ng tubig sa Magat Dam na mababa pa sa 190 meters na normal high-water level. | ulat ni Rey Ferrer