Bahagyang bumaba na ang antas ng tubig sa Marikina River ngayong hapon.
Ito ay matapos ang naranasang magdamag na pag-ulan sa Metro Manila na dulot ng habagat na pinaigting ng bagyong Enteng.
Batay sa pinakahuling tala ng Marikina City Rescue 161, bahagyang bumaba sa 14.7 meters ang lebel ng tubig sa ilog mula sa 15.4 meters kaninang alas-3:30 ng madaling araw kung saan itinaas sa unang alarma ang ilog.
Sa ngayon, normal na ang antas ng tubig sa Marikina River.
Gayunpaman, ipinabatid ng Marikina City Rescue 161 ang kasalukuyang mabagal na pagbaba ng lebel ng tubig sa Ilog dahil sa tuloy-tuloy na pabugso-bugsong malakas na ulan.
Pinapayuhan ng Marikina Local Government ang mga residente ng lungsod, na maging alerto at manatiling nakaantabay sa mga update kaugnay sa lagay ng panahon. | ulat ni Diane Lear