Antas ng tubig sa Marikina River, pumalo na sa 16 meters; ikalawang alarma, itinaas na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakataas na ang ikalawang alarma sa Marikina River ganap na alas-8:34 ngayong umaga.

Ito’y makaraang sumampa na sa 16 meters ang lebel ng tubig sa ilog bunsod pa rin ng walang patid na pag-ulan at malakas na hanging dala ng hanging habagat na pinaigting ng bagyong Enteng.

Dahil dito, inaabisuhan ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang mga residente nito na maghanda na sa paglilikas dahil sa posible pang pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog.

Sa sandaling sumapit na sa 18 meters ang lebel ng tubig sa ilog, itataas na ang ikatlong alarma at doon ay magpapatupad na ng preemptive evacuation.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us