Hindi dapat pumayag ang Pilipinas na ginagawang headquarters ng mga scammer ang ating bansa.
Ito ang pinahayag ni Senadora Risa Hontiveros matapos ma-rescue ang ilang mga dayuhan sa isang na-raid na POGO sa Cebu
Ayon kay Hontiveros, ito ang dahilan kaya mahalagang agarang ipatupad ang Republic Act 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA law)
Dito, itinuturing na economic sabotage ang scamming at pinapayagan na magamit ang nakumpiskang assets ng mga sangkot sa scamming sa pagbibigay proteksyon sa mga biktima.
Ipinunto ng senadora na sa mga pagdinig sa Senado ay nabubuhay ang mga illegal POGO hubs dahil sa scamming gamit ang mga biktima ng human trafficking, Pilipino man o dayuhan.
Giit ni Hontiveros, mahalagang mapangalanan at mapanagot ang mga taong ginawa nang hanapbuhay ang panloloko sa kapwa
Panahon na rin aniyang bigyang hustisya ang mga naging biktima na nito. | ulat ni Nimfa Asuncion