Aabot sa P41-million Agri-Credit Assistance check ang ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 471 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Nueva Ecija nitong nakalipas na araw.
Bahagi ito ng iba’t ibang credit assistance program ng Department of Agrarian Reform (DAR) katuwang ang Land Bank of the Philippines at ang local government unit sa lugar.
Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella III, 12 ARB Organizations ang nakakuha ng credit assistance program na iniaalok ng DAR sa pamamagitan ng Land Bank.
Sinabi naman ni LBP Executive Vice President Alex Lorayes na naglaan din ang Landbank ng P10-bilyong pondo para sa pagpapatupad ng LANDBANK AGRISENSO Lending Program.
Pagtitiyak pa nito ang patuloy na suporta ng Land Bank sa pagsisikap ng gobyerno na palawigin ang makabuluhang interbensyon sa mga magsasaka para sa isang mas maunlad at napapanatiling sektor ng agrikultura. | ulat ni Rey Ferrer