Isinagawa ngayong hapon ng Anti Red Tape Authority (ARTA) ang Bagong Pilipinas Town Hall Meeting sa Baguio City.
Ayon kay ARTA Secretary Ernesto Perez, kasama sa pulong ang 320 barangays mula sa iba’t ibang bahagi ng Northern Luzon.
Ang Bagong Pilipinas Town Hall Meeting ay upang ibahagi ang mga inisyatiba ng kasalukuyang administrasyon para sugpuin ang red tape sa bansa.
Kasabay nito, muli rin kinikilala at pagkakalooban ng plaque at seal ng electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) Commendation ang Baguio City. | ulat ni Rey Ferrer