Nahuli sa entrapment operation ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang babaeng fixer.
Naaresto si Desire Daguinod ng Pandi, Bulacan sa Barangay Pinyahan, Quezon City habang ang kasamahan niyang si Gerlo Gomez ay nakatakas.
Ayon kay LTO Chief, Vigor Mendoza, ikinasa ang operasyon bilang tugon sa mga ulat na ilang fixer ang muling nag-aalok ng serbisyo sa mga motorista.
Sa kaso si Daguinod, nag-aalok ito sa kanyang Facebook account ng agarang pagpapalabas ng driver’s license kapalit ng kabayaran.
Matapos ang surveillance operation at makumpirma ang modus ng fixer, agad na ikinasa ang entrapment operation.
Nabatid na bukod sa LTO, may iligal na transaksyon din ito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Dahil dito, nahaharap ang naarestong suspek, pati na ang nakatakas nitong kasamahan, sa kasong paglabag sa R.A. 11032 o “Anti-Red Tape Act of 2007.”| ulat ni Rey Ferrer