Bagong Casualty and Cancer Care Center sa AFP Medical Center, ipatatayo sa pagtutulungan ng Congressional Spouses Foundation at MVP Group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na nai-turnover ng Congressional Spouses Foundation (CSFI) ng 19th Congress ang tulong-pinansyal para sa pagpapatayo ng bagong Casualty and Cancer Care Center sa AFP Medical Center.

Isa itong inisyatiba ng CSF| – 19th Congress sa pamumuno ni CSFI Chairperson Yedda Marie Romualdez katuwang ang MVP Group.

Inaasahan na mapapasinayaan ang unang phase ng proyekto bago matapos ang taon.

Sina CSFI President, Rose Marie Arenas at Chief Finance Officer, Evelina Escudero, ang nagpaabot ng donasyon.

Sa September 24 ay pormal na lalagdaan ang Memorandum of Participation and Support sa pagitan ng dalawang organisasyon.

Ang makasaysayang proyektong ito ayon sa CSFI ay bilang pagkilala at pagsuporta sa sakripisyo at kabayanihan ng hanay ng AFP para sa pagkamit ng kapayapaan sa bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us