Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na binuksan na ang bagong Catbalogan Airport sa Samar.
Ayon sa DOTr, mas maluwag at modernong terminal ang bubungad sa mga pasahero mula Samar at karatig probinsya.
Sinabi ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista na ang bagong passenger terminal building ay magpapataas ng kapasidad ng Catbalogan Airport mula 10 pasahero lamang ay magiging hanggang 400 mga pasehero.
Tampok sa bagong terminal ang sustainable design nito at state-of-the-art na mga pasilidad upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ng air travel.
Bukod sa bagong terminal building, may bagong apron o rampa kung saan napakaparada ang mga eroplano na may sukat na 180 meters by 100 meters ang kasalukuyang ginagawa upang makapag-accommodate ng hanggang tatlong Airbus at dalawang Q400 na eroplano.
Inaasahan ng DOTr-CAAP na ang pagpapalawak na ito ay magbubukas ng daan para sa mas maraming flights at magpapataas ng bilang ng mga pasahero sa Catbalogan Airport. | ulat ni Diane Lear