Itinalaga bilang bagong chairperson ng National Irrigation Administration (NIA) Board si Atty. Jeffrey Gallardo.
Ayon sa NIA, naitalaga si Atty. Gallardo matapos makuha ang majority vote ng Board of Directors.
Itinuturing naman ng NIA na mahalagang hakbang ang pagbabago sa pamunuan ng Board of Directors upang masiguro na lahat ng proyekto ay umaayon sa programang Build Better More ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Si Atty. Jeffrey Gallardo ay may bitbit na malawak na karanasan sa judicial at executive service.
Kumpiyansa naman si NIA Administrator Engr. Eduardo Eddie Guillen, sa liderato ni Atty. Gallardo at umaasa sa mga isusulong nitong hakbang tungo sa pagpapaunlad ng irrigation infrastructure ng bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa