Bagong LPA na binabantayan ng PAGASA, walang direktang epekto sa bansa, pero palalakasin ang hanging habagat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na linggo ang bagong binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.

Ito ay tatawaging Ferdie kapag naging ganap na bagyo.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PAGASA weather forecaster Ana Clauren-Jorda na hindi inaasahang direktang makakaapekto ito sa bansa.

Ngunit palalakasin nito ang Southwest Monsoon o hanging habagat na muling magpapaulan sa Luzon kasama na ang National Capital Region.

Bukod dito, mayroon ding isa pang namuong LPA na binabantayan ng PAGASA na posibleng pumasok sa PAR sa kalagitnaan ng Setyembre.

Samantala, bukas ay inaasahang gaganda na ang lagay ng panahon at sisikat na ang araw ngunit makararanas pa rin ng mga localized thunderstorm sa hapon o gabi. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us