Bagong Mega Pumping Station, binuksan sa Valenzuela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi ng pinalawak na flood control projects ay pinasinayaan ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang pinakabagong Mega Pumping Station nito sa lungsod.

Pinangunahan ni Mayor Wes Gatchalian ang blessing at pagbubukas ng pumping station na ika-25 pasilidad na sa lungsod.

Inaasahang mapapakinabangan ito ng mga Barangay Veinte Reales at Lingunan, na kasama sa flood-prone areas sa Valenzuela.

Ayon sa alkalde, kayang humigop ng naturang Mega Pumping Station ng 8-cubic meters ng tubig bawat segundo.

Bilang resulta, hindi lamang Veinte Reales at Lingunan ang makakaramdam ng ginhawa sa tulong ng nasabing pumping station, kundi pati na rin ang mga karatig barangay.

Pinondohan ng ₱400-million ang naturang proyekto na may apat na submersible 2.0㎥/s pumps at dalawang floodgates. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: Valenzuela LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us