Bagong pumping stations at flood control facilities, bubuksan sa Malabon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang pasinayaan ngayong umaga ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang ilang bagong pumping station at flood control facilities sa lungsod.

Kabilang dito ang Dulong Adante Pumping Station na matatagpuan sa Brgy. Tañong at Sto. Rosario II Pumping Station na nasa Brgy. Baritan.

Bukod dito, ibibida rin ang rehabilitasyon ng ilan sa Drainage at Flood Control Facilities sa Malabon.

Ayon sa LGU, kabilang ito sa mga hakbang upang matugunan ang problema ng pagbaha sa lungsod.

Ang makabagong pumping station ay mas mabilis, mas matibay, at kayang mag-operate nang tuloy-tuloy sa loob ng anim na oras, kumpara sa lumang sistema na limitado sa tatlong oras ng operasyon.

Samantala, ang rehabilitasyon ng drainage at flood control facilities ay magbibigay naman ng mas episyenteng daloy ng tubig upang maiwasan ang pagbaha at maprotektahan ang kaligtasan ng buong komunidad.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us