Inaasahang bubuksan ng US Embassy sa Pilipinas ang pinakabago nitong Visa Application Center (VAC) sa Lungsod ng Parañaque sa darating na ika-28 ng Setyembre 2024.
Ayon sa US Embassy, matatagpuan ang bagong VAC nito sa Parqal Building 8, Barangay Tambo kung saan maaaring magproseso ang mga kumukuha ng visa para sa kanilang photo capture at fingerprint scanning bago ang kanilang nakatakdang interview sa US Embassy sa Roxas Boulevard.
Kasabay nito, ilulunsad din ng Embahada ang bagong online system para sa ligtas at madaling pag-schedule ng mga appointment.
Magiging bukas ang nasabing VAC mula Lunes hanggang Biyernes, 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, at tuwing Sabado mula 7:00 hanggang 11:00 ng umaga.
Ipinaalala rin ng Embassy na hindi na kakailanganin ng appointment para sa mga kukuha ng pasaporte o pag-drop off ng mga kinakailangang dokumento na maaaring gawin mula Lunes hanggang Biyernes, 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. | ulat ni EJ Lazaro