Patuloy na kumikilos pahilagang kanluran sa Philippine Sea ang bagyong Helen.
Sa 5am Weather Bulletin ng PAGASA, huli itong namataan sa layong 1,150 kilometers east northeast ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 105 km/h.
Nananatili itong malayo sa Philippine Landmass at wala ring direktang epekto sa bansa.
Inaasahan ding lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo mamayang hapon o gabi. | ulat ni Merry Ann Bastasa