Bagyong Julian, lumalayo na sa Batanes, pero nakararanas pa rin ng matinding pag-ulan sa Northern Luzon –PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa ulat ng PAGASA-DOST ngayong hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 95 km ng kanluran-timog kanluran ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 km kada oras malapit sa gitna at bugso na abot sa 215 km kada oras.

Gumagalaw ang bagyo sa pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 km kada oras.

Nakataas pa rin ang Tropical Wind Cyclone No.4 sa Batanes, Signal 3 sa northern at western portions ng Babuyan Islands at marami pang lugar sa northern Luzon ang nakataas pa sa signal no. 2 at 1.

Ayon sa PAGASA, nakararanas pa rin ng matitinding pag-ulan sa Batanes, Babuyan Group of Islands at Ilocos Norte kung saan nakataas ang red warning level.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us