Bilang suporta sa mga OFW-entrepreneur na nagbalik sa bansa, inilunsad ngayong araw ng Department of Migrant Workers (DMW) ang BALIK Kabayan Bazaar.
Ito ay isang livelihood fair na nagtatampok ng kanilang mga produkto at negosyo.
Pinangunahan nina Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac at ng mga opisyal ng DMW ang pagbubukas ng bazaar na permanenteng matatagpuan sa Front Parking Area ng DMW Head Office sa Mandaluyong City.
Ang livelihood fair na ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng PNB at BDO na mga financial institution partners ng DMW sa pagtulong sa mga OFW na makamit ang kanilang financial freedom.
Layon ng DMW na sa pamamagitan ng proyektong ito, mas maraming OFW ang magkakaroon ng oportunidad na magtagumpay sa kanilang mga negosyo at magkaroon ng maayos na pamumuhay matapos ang kanilang pagbabalik-bayan.| ulat ni Diane Lear