Nakapwesto malapit sa Sabina Shoal ang barko na pansamantalang ipinalit sa BRP Teresa Magbanua.
Ito ang kinumpirma ni National Maritime Council Spokesperson Undersecretary Alexander Santos sa Saturday News Forum sa Quezon City.
Hindi man eksaktong nasa lokasyon ang barko, tiniyak ni Santos na ginagampanan na ng floating assets ng Pilipinas ang misyon nito na magpatrolya sa bisinidad ng Sabina Shoal.
Sa ngayon wala pang natatanggap na ulat ng pangha-harass ang bansa mula sa mga barko ng China Coast Guard at Peoples Liberation Army Navy.
Samantala, sinabi ni Usec. Lopez na dapat nang pag-aralan ng pamahalaan ang option ng pag renta ng mga barko.
Kailangan lang na maging malinaw kung ilan at anong uri ng barko, at kung kasama ba sa rerentahan ang mga gagamiting mga tripulante nito.
Aniya, matagal pa ang pagdating ng mga barko na binili ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa ibang bansa pati na ang mga military grade vessels na hindi pa malaman kung anong hardware o mga kagamitan ang kailangang ilalagay.| ulat ni Rey Ferrer