Sisikapin ng pamunuan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na magiging tapat, payapa at malinis ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections sa susunod na taon.
Ayon kay BARMM Cabinet Secretary at Spokesperson Mohammad Asnin Pendatun, puspusan na ang kanilang paghahanda para sa paparating na eleksyon.
Kaliwa’t kanan na ang ginagawang education campaign sa tulong ng iba’t ibang Civil Society Organization.
Sa ngayon, sinabi pa ni Pendatun na malaki na ang ipinagbago ng peace and order situation sa rehiyon.
Bagama’t may maliit na revolutionary group pa sa lugar, tiniyak nito na kanila itong natututukan.
Samantala, ipinagmalaki din ni Pendatun na malaki na rin ang ibinaba ang poverty incidence sa rehiyon at hindi na maituturing na pinakamahirap na lugar sa Pilipinas.| ulat ni Rey Ferrer