Bawat Pamilyang Pilipino, hinihikayat ng Malacañang na makibahagi sa ‘Kainang Pamilya Mahalaga Day’ sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ng Malacañang ang bawat pamilyang Pilipino na makibahagi sa Kainang Pamilya Mahalaga Day sa Lunes (September 23).

Sa Memorandum no. 64 na ibinaba ng Palasyo, nakasaad na pagpatak ng alas-3 ng hapon sa Lunes, suspendido na ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Ito ay upang bigyang pagkakataon ang bawat pamilya na makpagsalo-salo sa hapunan.

“This Office also encourages all government workers in the Executive branch to fully support the programs and activities relative to the observance of Family Week, as organized by the National Committee on the Filipino Family,” —PCO.

Alinsunod na rin ito sa Proclamation No. 326, kung saan idineklara ang ika-4 na Lunes ng Setyembre kada taon bilang Kainang Pamilya Mahalaga Day.

“The suspension of work in other branches of government, independent commissions or bodies, and private sector is also encouraged, so as to afford all Filipino families the full opportunity to celebrate the 32nd National Family Week,” —PCO.

Hinihikayat ang mga tangaapan ng pamahalaan na suportahan ang mga programa na mayroong kinalaman sa Family Week.

Ang mga tanggapan naman ng pamahalaan na mayroong kinalaman sa basic health services, preparedness at disaster response ay kailangan pa ring magpatuloy sa serbisyo. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us