Sasagutin ng gobyerno ang mga bayarin sa mga pampublikong ospital ng mga pasyenteng naka confined at sumasailalim sa gamutan.
Ang anunsiyo ay ginawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paglulunsad ng “Agri-Puhunan at Pantawid Program” sa Guimba, Nueva Ecija.
Ang magandang balita ay isinapubliko ng Pangulo kaugnay ng kanyang ika-67 kaarawan sa pamamagitan ng “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat” program.
Subject ng libreng hospital bill para sa araw na ito ang mga pasyenteng nasa level 3 public hospital gaya aniya ng Dr. Paulino Garcia Memorial Hospital sa Nueva Ecija.
Kabilang naman sa mga tertiary hospitals sa Metro Manila ang Philippine General Hospitals (PGH); Philippine Orthopedic Center; Philippine Heart Center; Philippine Childrens Medical Center (PCMC); National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ; Lung Center of the Philippines; Jose R. Reyes Memorial Hospital at East Avenue Medical Center. | ulat ni Alvin Baltazar