BBM rice, ilulunsad ng NIA sa Nueva Ecija ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ay kasado na rin ang nationwide Grand Launching ng Bagong Bayaning Magsasaka Rice sa Kadiwa ng Pangulo, na hatid ng National Irrigation Administration (NIA).

Pangungunahan ni NIA Administrator Engr. Eduardo Eddie Guillen ang paglulunsad ng programa sa NIA Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (UPRIIS) main office sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Sa ilalim ng programa, ibebenta sa halagang ₱29 kada kilo ang bigas sa lahat ng NIA offices nationwide sa kung saan espesyal na prayoridad ang mga benepisyaryo ng 4Ps, Solo Parents, PWDs, at Senior Citizens.

Ang mga bigas na ito ay mula sa mga magsasaka sa buong bansa na nakilahok sa programa ng NIA na Contract Farming.

Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa pangako ni Pangulong Marcos Jr. na patatagin ang food security batay na rin sa layunin ng Bagong Pilipinas. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us