Tumaas ang bilang ng mga evacuee sa Valenzuela dahil sa patuloy na pag-ulang dala naman ng hanging habagat.
Ayon sa Valenzuela LGU, nasa 380 na pamilya o 1418 na indbidwal ang nagpalipas ng gabi sa mga evacuation site dahil sa epekto ng habagat.
Mula sa 15 binuksang evacuation centers, pinakamarami ang inilikas sa A. Fernando Elementary School at Luis Francisco Elementary School, Brgy. Veinte Reales.
Patuloy namang nakatutok ang Valenzuela Social Welfare and Development Office sa lagay ng mga evacuee.
Una na ring binista ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang mga pamilyang nananatili sa evacuation centers sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa