Nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa sakit sa Dengue sa Quezon City.
Base sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, umabot na sa anim ang nasawi hanggang Setyembre 14 ngayong taon.
Pinakamaraming naitalang namatay ay mula sa Distric 2 at siya ring may pinakamaraming kaso ng dengue na abot sa 896 ang bilang.
Sa kabuuan, umabot na sa 3,365 ang kaso ng dengue sa Lungsod mula Enero hanggang ngayong Setyembre.
Samantala, tumaas din sa 442 ang kaso ng Leptospirosis at 34 na ang namatay.
Hindi naman nagpabaya ang pamahalaang lungsod at patuloy ang kampanya nito para labanan ang sakit na dengue at leptospirosis.
Regular ang paglilibot sa mga barangay ng mga tauhan ng QC Health Department at nagbibigay ng lecture sa mga residente para sa pag-iwas sa sakit na dengue at iba pang kumakalat na karamdaman.| ulat ni Rey Ferrer