Lumobo na sa 30 ang mga namatay sa sakit na leptospirosis sa Quezon City.
Sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, umabot na sa 406 ang kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Agosto 31 ngayong taon.
Pinakamaraming naitalang kaso ay mula sa District 4 na may 93, sumunod ang District 2 at District 1 na may 73.
Dahil dito, puspusan na ang isinasagawang Health Awareness Campaign ng pamahalaang lungsod sa iba’t ibang distrito sa lungsod para sa Leptospirosis, Dengue at Monkey Pox o MPOX prevention.
Pinayuhan ang publiko na agad magpa-checkup sa mga health facility kapag nakaranas ng mga sintomas ng mga nasabing sakit. | ulat ni Rey Ferrer