Binabantayang LPA, isa nang bagyong Gener; ilang lugar sa Luzon, nasa ilalim ng Signal No. 1 — PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa nang bagyo na tinawag na “Gener” ang low pressure area (LPA) na namataan sa bahagi ng Cagayan.

Sa 8am Bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 315 km East Northeast ng Casiguran, Aurora, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong 55 km/h.

Nakataas naman ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang lugar sa Luzon dahil sa banta ng bagyong Gener:

Eastern at Central portions ng Mainland Cagayan (Piat, Santo Niño, Camalaniugan, Tuao, Lal-Lo, Enrile, Gonzaga, Alcala, Amulung, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Solana, Rizal, Santa Ana, Tuguegarao City, Gattaran, Peñablanca, Iguig, Lasam, Aparri, Ballesteros, Allacapan, Abulug), Isabela, Quirino, Eastern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Kasibu, Dupax del Norte, Quezon, Diadi, Bayombong, Ambaguio, Bagabag, Villaverde, Aritao, Bambang, Dupax del Sur, Solano), Eastern at Southern portions ng Apayao (Conner, Flora, Pudtol, Santa Marcela, Luna, Kabugao), Kalinga, Eastern at Central portions ng Mountain Province (Paracelis, Sadanga, Bontoc, Natonin, Sabangan, Barlig), Ifugao, Aurora, Eastern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Bongabon, Gabaldon, Laur, General Tinio, Rizal, General Mamerto Natividad, Palayan City), at Northern portion ng Mainland Quezon (General Nakar, Infanta, Real) including Polillo Islands.

Inaasahan namang magla-landfall ang bagyo sa Isabela o Aurero sa loob ng 24-oras. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us