Binalaan ng Bureau of Internal Revenue ang mga seller ng vapor products, sigarilyo at heated tobacco products na nagbebenta ng mga produktong ito na mababa sa floor price.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., mahigpit nang ipinagbabawal ito alinsunod sa Revenue Regulation No. 16-2024 (RR No. 16-2024).
Saklaw nito ang e-Marketplaces, Online Sellers, Retail Sellers, at mga Distributor ng mga produktong ito.
Aniya lahat ng lalabag ay may katapat na kaparusahang mabilanggo at multa na aabot sa daang libong piso.
Mahigpit nang binabantayan ngayon ng BIR ang parehong Online Platforms at mga Brick-and-Mortar Stores.
Payo pa ng BIR Chief sa mga ito na tanggalin na ang lahat ng posts sa online na nag aalok ng mababang presyo sa itinakdang floor price. | ulat ni Rey Ferrer