Aabot sa 1.31 milyong pakete ng peke at ipinagbabawal na sigarilyo ang nasamsam ng Bureau of Internal Revenue sa dalawang warehouse sa Quezon City at Caloocan City.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., isinagawa ang pagsalakay ng BIR at ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police (PNP-CIDG) mula noong Huwebes hanggang Biyernes.
Aniya,tinatayang aabot sa Php 838 Million ang tax liability ng mga illicit cigarette trader.
Pinuri naman ng BIR Chief ang PNP-CIDG sa kanilang dedikasyon na labanan ang illicit trade.
Kasabay nito ang apela ng BIR sa lahat ng informants na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon sa mga posible pang target. | ulat ni Rey Ferrer